Makatakalan

Your awesome Tagline

Posts tagged makatakalan

0 notes

KATHANG ISIP NA CAKE

Natikman mo na ba? Anong lasa?

 

Hindi sya sweet pero may puso

Maliit ngunit may bumabating kandila

Strawberry pero chocolate

Basa ang mamon pero masarap

 

Saan mo ba nakuha yan?

 

Kanina, lumiwanag ang himpapawid

at nahawi ang nakabalot na ulap

sumilip ang matingkad na liwanag

at nahulog ang mahiwagang cake

 

Hulog ng langit?

Oo! parang ikaw hulog ng langit..  

 

Sino ka ba talaga?

Ako si Sam… Samantha Ramirez

 

Filed under tula makata makatakalan pilipinas

3 notes

Quota

Tinatawid ang bundok
Tinatawid ang dagat
Sinusunog ng araw
Nilulunod ng ulan

Makuha lamang kita

Tumutulay sa alambre
Sumasayaw sa apoy
Kumakain ng espada
Pinapana sa roleta

Makuha lamang kita

Hinaharap ang hamon
Binabala sa kanyon
Pinipigilan ang galit
Tinitingala ang langit

Makuha lamang kita

Nalalasing, Nadadapa
Natutulog, Natutulala
Nalulungkot, Natutuwa
Kahit ano ginagawa

Makuha lamang kita

Filed under tula poem makata makatakalan

3 notes

BLUES

Umaakyat ngunit nahuhulog

Paulit ulit na tunog

Nakakatamad na himig

Nakakalasing na tinig

Lumalayo ngunit lumalapit

Kinakaskas ng pilit

Tinatambol ang galit

Pinaiiyak ng langit

Umiindak ang paa

sa bawat bagsak ng nota

Tinapos ng isang sigaw

at dumilim na ang ilaw

Manhid na ang mga daliri

Naglaho na ang masiglang gabi

Nakaupo na lamang sa tabi

Hinihintay na sya ng hari

@pagkatapos mapanood ang SPY Band sa 70s Bistro, pagkatapos kantahin ni Sammy Asuncion ang Ain’t no Sunshine, pinanganak ang tulang ito. \m/

Filed under tula makata makatakalan pilipinas poem poetry