KASTIGO
Bago pa makarating sa tagpuan, halos mabingi ako sa paulit-ulit na kabog na pumapalo sa aking dibdib. Animo’y biglang dinapuan ng anemia ang buo kong katawan at nawala ang masiglang kulay ng aking dugo. Nang magpatuloy ang nagbabagang gatong ng nerbiyos agad bumukal ang agos ng pawis at nanuyo ang aking lalamunan.
Sinalubong ako ng alinsangan ng kanyang pakiramdam. Kahit pinili kong umupo sa hanay ng silya doon sa likuran tinatamaan pa din ako ng kanyang matatalim na tingin, parang punglong tumatagos sa aking katawan. Sinikap kong magpakatatagat at harapin ang nararapat na bunga ng aking kasalanan.
Nagumpisa ang litanya ng paring walang sutana. Matapang ang mga pangungusap tila hinihiwa ang aking puso, masakit pero wala akong magawa. Lumalabas ang hugis ng kanyang pangaat at nagtatagpo sa ilalim ng noo ang kanyang dalawang kilay. Nagpatuloy ang pag-uusig…nguniit ang tenga ko’y may lagusan nang pumasok dito lumabas din sa kabilang daan.
Walang tigil ang liyab ng kanyang puso, sunog na sunog ang kalooban, napakainit, nakakapaso. Subalit makalipas ang ilang oras… Humupa din ang apoy, sinubukan kong buhusan ng tubig ang naiwan at nagbabagang damdamin. Sa bawat patak ng paliwanag tila lumalamig ang paligid. Hanggang sa puting usok na langang makikita.
Muling bumalik ang ulirat, mahal pa din kita sa kabila ng lahat.

Filed under tula makata pilipinas makatakalan