Makatakalan

Your awesome Tagline

8 notes

KANLURAN

Kahit na malayo ka
tila malapit pa din
parang laging kapiling,
lubos na makahulugan
ang ating pagitan.
Madalas ang ating pagkikita
subalit nananatili ang pananabik,
parati na lang hindi sapat
ang nakalatag na panahon.
Nais ko pa sanang hawakan
ang iyong mga kamay subalit
pinipigilan na tayo ng orasan.
At sa tuwing tayo’y maghihiwalay,
kung higit na mahigpit ang yakap
higit din ang lamat ng iniiwan
nitong kalungkutan.

Kung sakaling hindi makarating
ihinabilin ko na sa hangin,
ngayong gabi ikaw ay dadalawin
upang ipadama ang halik’t yakap
na hangarin

“i miss you”

Filed under tula makata pilipinas

  1. gunigunitgunita reblogged this from makatakalan
  2. makatakalan posted this