Bartimaeus Jr.

Mula pa sa kabilang ibayo
Gusto kong lumapit sa’yo
Para sa isang pangako
Alam kong ikaw ang sugo

Hesus
Buksan mo ang aking mata
Nais kitang makita

Matagal na akong nasa dilim
Galit ang sa akin ay umalipin
Ibalik mo ang aking paningin
Ikaw ang magpapalaya sa akin

Hesus
Buksan mo ang aking mata
Nais kitang makita

Hesus
Buksan mo ang aking mata
Nais kitang makita

Dama ko ang pagpapala
Salamat sa iyong awa

1 note

UPLB

Mapanganib ang bawat pasilyo
sa loob ng silid nagtatago
May halimaw na pang-gabi
nagaabang lang sa tabi

May apat na taong kurso
na hinukay na sa sementeryo
Thesis na gawa sa lapida
at burol na kapalit ng matrikula

May pagsusulit si Kamatayan
kailangan lang malampasan
Sa ilang dipang kaligtasan
hindi pa nya naabutan

Abuloy na lang ang diploma
Puting barong na sana’y toga
Pinaslang na ang mga pangarap
Pagtatapos na hindi magaganap

HIGHWAY JAM

Naglalakbay ng sobrang bilis
Umuusok sa siento benting bilis
Sa ilalim ng init ng araw
Nauuhaw, nalulusaw
Simula sa itaas-pababa
Hanggang sumayad na sa lupa
Wala ng magawa                                                                                           Wala ng tama


1 note

PARAISO

Wala na syang naririnig at binulag na ng mundo 
Lahat sila nalulungkot animo’y biernes santo 
Habang naghihintay na ang nakapilang mga sundo 
patuloy ang patak ng maluwalhating segundo

Natatanaw na nya ang lupang pinangako
at hinawi ng anghel ang nakikihating demonyo
Pilit nyang hinahabol ang liwanag na lumalayo
hanggang makarating doon sa kabilang dako

Narating na nya ang dulo ng paglalakbay
kaya’t dito sa payapang hardin sya mahihimlay
Pangarap nyang paglaya ngayon na nakuha
Iniwan na nya sa daigdig ang sakit at luha

Kung nangungulila, sa kalawakan tumingin
hanapin mo sya doon sa sulok ng mga bituin
At kung tayo naman ang darating
Dito sa paraiso nya tayo hihintayin

3 notes

IKAW AT AKO

Ikaw ang mga planeta at ako ang uniberso
Ikaw ang bulaklak at ako ang paro-paro
Ikaw ang kambal at ako ang alimango
Ikaw ang karit at ako ang maso

Ikaw ang diwa at ako ang tula
Ikaw ang bangka at ako ang lawa
Ikaw ang hamog at ako ang umaga
Ikaw ang takipsilim at ako ang kulaw lila

Ikaw ang hangin at ako ang tubig
Ikaw ang gabi at ako ang kuliglig
Ikaw ang lunas at ako ang lakas
Ikaw ang pangarap at ako ang bukas

Ikaw ang gamu-gamo at ako ang ilaw
Ikaw ang enerhiya at ako ang araw
Ikaw ang lumbay at ako ang luha
Ikaw ang buhay at ako ang pag-asa

Ikaw ang buwan at ako ang liwanag na hiram
Ikaw ang bituin at ako ang kalawakan
Ikaw ang mansanas at ako ang kasalanan
Ikaw ang pag-ibig at ako ang walang hanggan

Ikaw at Ako

Ikaw ay Ako

Iisa lang tayo

3 notes

DEFICIT

Higit na malaki ang gastos kaysa sahod
Higit na malaki ang inaangkat kaysa inilalabas
Higit na malaki ang inuutang kaysa pambayad
Higit na malaki ang kinukuha kaysa pakinabang
Higit na malaki ang ginagasta kaysa kinikita
Higit na malaki ang binubulsa kaysa imprastraktura
Higit na malaki ang korapsyon kaysa alikasyon
Higit na malaki ang ninanakaw kaysa koleksyon

Higit ang higpit ng sinturon ni Juan

kapos, ubos at walang natitira

Masa pa rin ang nagdurusa

1 note

LAMAY

May kadiliman

na kusang dumarating kahit iwasan

May paglisan

na hindi mo alam kung kalian ka iiwan

May Dalamhati

na kasabay ang pagdurusa at gumuhong pag-asa.

May musika

subalit kasunod nito ay luha, dudurugin ka ng alaala

May pagtitipon

ngunit walang dalang saya sapagkat binalot ng pagluluksa 

May kawalan

na nadarama, paano haharapin ang bukas ng wala ka na.

May liwanag

May bagong umaga

May pag-asa

At hinihintay ka na…

6 notes

KASTIGO

4 notes

KANLURAN

Kahit na malayo ka
tila malapit pa din
parang laging kapiling,
lubos na makahulugan
ang ating pagitan.
Madalas ang ating pagkikita
subalit nananatili ang pananabik,
parati na lang hindi sapat
ang nakalatag na panahon.
Nais ko pa sanang hawakan
ang iyong mga kamay subalit
pinipigilan na tayo ng orasan.
At sa tuwing tayo’y maghihiwalay,
kung higit na mahigpit ang yakap
higit din ang lamat ng iniiwan
nitong kalungkutan.

Kung sakaling hindi makarating
ihinabilin ko na sa hangin,
ngayong gabi ikaw ay dadalawin
upang ipadama ang halik’t yakap
na hangarin

“i miss you”

8 notes